Pages

About Me

My photo
Writer, artiste, critic, debater, public speaker, pianist, singer, actor, pretty much a jack of all trades, that's me, 16 years old and going strong. My friends say I'm good at what I do, but honestly, I think I'm little more than mediocre. This is the story of my life.

Dec 4, 2009

Mr. & Ms. Right...

0 comments
Mr. & Ms. Right... Have you been following my recent posts?

Well, don't you know how to take a clue? There's no such person as Mr/Ms right. That's all...

Ang Tao sa Salamin...

0 comments
~Nagsisimula ako sa tao sa salamin...
Nagmamakaawang magbago na siya...
Walang diwang mas malinaw pa dito...
"Kung gusto mo pabutihin ang mundo...
Tumingin sa sarili at magbago..."~

Ang mga pinakamahalagang kaalaman sa buhay ay natututunan lamang sa paraang kahit kailan ay hindi madali. Ang daan patungo sa pagdiskubre sa tunay na sarili ay ang pinakamahirap tahakin sa lahat. Kahit kailanman, kahit magunaw ang mundo, ang sarili lamang ang tunay na makapagsasabi o makapaghuhusga sa nilalaman ng puso.

Marahil nga'y itim ang inaasal ng sarili, subalit, buong katauha'y ikinasusuklam rin naman nito. Walang karapatang magsalita ang taong maysala sapagkat, sino ba siya upang manalita ng masama tungkol sa kapwa kung siya mismo ay kasuklam suklam sa sarili niya.

Binansagang arrogante, walang modo, bobo at bastos. Oo nga naman, totoo bawat parangal at tinatanggap ito. Subalit, pati ang sarili, ito'y bansag sa katauhan.

Kathang-isip lamang ba ang lahat ng alam nito bilang katotohanan? Marahil nga... Isang taong maraming pagkukulang, maraming pagkakasala. Ngunit sa lahat ng ito, sinusubukang tumakbo palayo nito. Ano ba talaga ang silbi ng pagkabuhay nito? Ano ba talaga ang nais iparating nito?

Ano ba ang silbi ng taong ito, kundi magyabang o kaya nama'y magpagalit sa iba. Puno ng himutok para sa sarilii ito. Nais magbago, ngunit, takot sa maaring mangyari. Nais mapabuti, ngunit hindi alam kung papaano.

Maraming tanong ang lumiligid ngunit ang pinakaharap sa lahat ng ito ay ang tanong. "Kakayanin ko ba ito?" Walang tiwala sa sarili, walang tiwala sa iba. Mahirap tahakin ang landas na ito. Pero para sa kapakanan ng taong nasaktan na, kakayanin kahit anong sakripisyo.

Kung ano mang kasalanan ang nagawa, wala nang saysay ang paghingi ng kapatawaran, naganap na ang naganap. Ngunit, sa lahat ng ito, nararapat parin na humingi ng kapatawaran. Kaya naman ito'y gagawin ng sarili.

Bago tanggalin ang tingting sa mata ng iba, tanggalin muna ang troso sa sariling mata. Ito ay hango sa bibliya. Nawa'y masunod ito ng sarili, sapagkat ang pinaka nahihirapan rin naman dito ay ang sarili. Hindi marunong humarap sa iba, hindi kayang magbitiw ng salita. Mahirap ang tatahakin, ngunit, tulad ng sinabi, kakayanin.

Alam niyo naman kung sino ang tinutukoy. Haha. Salamat sa araw na ito, hinding hindi ko ito makalilimutan.