Ito ay isang blog na ginawa sa request ni "Chie Faith Cenera" isa kong kaibigan
Unang, una, ano nga ba ang Sem BREAK sa kahulugan ng nakararami. Ito ay panahon matapos ng ikalawang 'grading period' sa mga paaralan. Ito ay ang panahon sa gitna ng bawat semester. Panahon ng pagpapahinga, pakikipag-saya sa mga kapamilya at panahon para mamiss ang mga "EPIC FAIL" moments ng mga kaibigan. Natural, sino ba namang hindi makakamiss ng kaibigang nakatayo nalang ay madudulas pa?
Sa kabilang palad naman, para sa ibang mga ginulungang palad, ang Sem BREAK ay mayroong kakaibang kahulugan. Para sa kanila, ang Sem BREAK ay nangangahulugang 'panahon kung kailan ang mga guro ay magtatambak sa amin ng gabundok na trabaho kahit dapat na bakasyon at panahon ng pagpapahinga ang mga oras na ito.' Hay nako, talaga naman pag sa high school. Kaysarap pumatay ng tao.
Sa katunayan, mayroon akong kilala na sembreak na sembreak ay pumapasok sa school. Okay lang naman sana kung pinapapasok siya sa school ng hapon para makipagkita sa mga kaibigan at tumuloy sa mall kung saan maglalaro sila ng ilang sandali tapos ay papasok sa booth ng karaoke at magpapalakasan, este, magpapagandahan ng boses na sintonado sa pagkanta ng kani-kanilang mga paboritong kanta. Subalit, ang mapait na katotohanan ay pinapasok siya upang gumawa ng isang proyekto. Kahabag-habag nga naman.
Sa kasawiang palad, kung ating bibigyan ng kahulugan ang salitang 'break' ibig sabihin lang naman nito na pahinga, o panandaliang tigil sa trabaho. Ngunit, para sa mga taong ito na parang pasan si Atlas habang pasan nito ang mundo, ang 'break' sa sem BREAK ay iba ang ibig sabihin. Aba'y sino ba naman ang hindi mab"BBREAK" ang katinuan ng isip kung ganito karami ang pinagagawa? Ikaw? Aba'y bigyan kaya kita ng trabaho na magmumukha ka nang bangkay matapos ang dalawang araw, tignan natin kung hindi ka maBREAK ang katinuan mo.
Para sa mga guro, kung maaari naman, ay kung bakasyon, bakasyon at kung trabaho ay trabaho. Yun lang po mga kababayan!
About Me
- Malkuthe Highwind
- Writer, artiste, critic, debater, public speaker, pianist, singer, actor, pretty much a jack of all trades, that's me, 16 years old and going strong. My friends say I'm good at what I do, but honestly, I think I'm little more than mediocre. This is the story of my life.
Nov 5, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)