Buwisit! Nakakita na ba kayo ng taong kung makakilos ay parang nasa "IN crowd" siya pero hindi naman? Yung parang alam niya lahat? Yung parang ganun lang dahil gusto niya maging popular pero hindi naman bagay? Yung tipong, kahit acting mo ay sinusubukang gayahin dahil lang gusto mapataas yung grade? Nakakaloka diba?
Hay nako, nakakairita. Saan ka ba nakakita ng taong mura ng mura, hataw ng hataw, bitaw ng bitaw ng mga salitang di nauukol pero di naman bagay sa kanya? Kung yung mga popular nga na mga binatilyo sa klase ay may oras para mag mura at mag saya at mag isip ng malilibog na bagay, bakit yung wala sa grupong iyon, mas madalas pa magmura kaysa sa kanila?
Tignan mo nga naman, lahat ginagawa para lang "MAPABILANG." Punto ko ay di naman bagay sa kanila! Yung tipong, lahat na lang ng bagay minumura, lahat na lang nakikitang nakataas ang gitnang daliri niya.
Ang sarap nila batukan nang matauhan, yun ay kung hindi ka binabatukan dahil lamang sa pagtawa! Alam mo yung tipong lahat ng ginagawa ng mga nasa popular na grupo ginagawa.
[*]: Lam mo ba yung ikalawang pinaka malapit na bituin sa daigdig?
[&]: Oo
[Trying Hard]: T**g I*a! Dali naman ng tanong mo! Siyempre Alpha Centauri
[*]: Oh?
[&]: Oi! Hindi kaya
[TH]: G**o! Oo kaya, T**g I*a mo ah! B***h pakita mo nga sakin na mali yung sagot ko!
[&]: Oh, ayan oh, nasa libro
[TH]:Sa Isip: Patay, pano na yan... mali ako... lam ko na para di ako mapahiya! B***h syempre lam ko na mali yung sagot ko! T**g I*a sinusubukan ko lang talino mo!
Nakakabuwisit diba? Tapos pag sinabihan mo ng seryosohan
[TH]: O, B***h bakit?
[&]: Ikaw, tumigil ka nga ng kakaganyan, parang nakikibagay ka lang eh. Di bagay sayo
[TH]: Sige na nga
[&]: Sinabi mo yan ah
maya maya
[TH]: Oi! T**g I*a! Intayin mo ko! B***h ka!
[&]: hay nako...
Nakakabanas hindi ba? Pero ano pa magagawa natin kung ganun siya?
Basta ako, napupuno na at malapit na akong sumabog. Nakakabuwisit!
Eh ikaw? Ano sa tingin mo?
About Me
- Malkuthe Highwind
- Writer, artiste, critic, debater, public speaker, pianist, singer, actor, pretty much a jack of all trades, that's me, 16 years old and going strong. My friends say I'm good at what I do, but honestly, I think I'm little more than mediocre. This is the story of my life.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
what the?!
Post a Comment