Isa na marahil sa mga hinahanap-hanap ng bawat tao ay ang isang totoong kaibigan. Isa ang mga kaibigan sa mga taong ating makikilala sa ating buhay. Subalit, may mga kaibigan na nawawala, naglalaho, nakakaaway. Ano nga ba ang ating hinahanap? Isang kaibigang nariyan hanggang ating pagpanaw? Oo, posible, ngunit, sa tingin ninyo, madalian ba itong magaganap? Bihira makahanap ng isang totoong kaibigan ang tao. Ngunit, pag mayroon ka nang tunay na kaibigan, kahit sa kabilang panig man siya ng mundo mapadpad, mabubuhay kayo sa alaala ng bawat isa.
Madaling makaligtaan na hindi lahat ng kaibigan ay tunay. Mayroong nakikipagkaibigan dahil may gusto sa iyo. Mayroon din na nakikipag kaibigan dahil sa isang "dare" ng kaklase. Mayroon din dahil sa matalino ka at gusto niyang matuto. Mayroon ding mga nakikibagay lang. Mayroon din na nakikipag kaibigan dahil lamang sa yaman o popularidad mo.
Sa kabila ng lahat ng ito. Mayroon paring mga kaibigan na kahit anong rahas ng panahon, kahit anong tindi ng unos, nariyan sila, nakikiramay.
Oo, aaminin ko, noon ay wala akong ginawa kundi maghanap ng karamay sa buhay. Isang tunay na kaibigan. Kamakailan ko lang nakita na ang mga taong nakapaligid sakin ay totoo ko nang kaibigan. Kung tutuusin, dati ay di ko inakala na magiging kaibigan ko sila. Ngunit, dahil sa aba ng kapalaran, narito kami, masaya, nagdadamayan.
Ano ba ang ating hinahanap sa isang kaibigan? Ito ba ay yung tipong lahat ng ginagawa mo ay ginagawa niya rin? O yung tipong may sariling paraan ng paggawa ng bagay? Yung mga wala nang ginawa kundi dumakdak nang dumakdak pag may problema ka? O yung tipong nananahimik, nakikinig at naiintindihan ka?
Sa akin, ang tunay na kaibigan na aking hinahanap ay yung makakakilala sakin. Yung makakaalam kung ano ang limitasyon ko. Yung lahat ng aking damdamin, alam niya kung paano pawiin.
Siguro nga di nila lahat nagagawa ito ng deretsuhan, pero ang alam ko, nagagawa nila ito para sa akin nang wala silang kamuang muang.
Ang mga kaibigan ay may malaking bahagi sa ating paglaki. Kaya nama'y sana pumili tayong ng kaibigan na kasundo natin. Dahil ang maling kaibigan ay maaaring makasira ng isang buhay.
About Me
- Malkuthe Highwind
- Writer, artiste, critic, debater, public speaker, pianist, singer, actor, pretty much a jack of all trades, that's me, 16 years old and going strong. My friends say I'm good at what I do, but honestly, I think I'm little more than mediocre. This is the story of my life.
Sep 18, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment