Ang bula. Hinawakan ko ang bula. Pop! Wala na ang bula. Bow.
Pero totoo naman po, hindi ba na ang bula ay puputok sa pinakamaliit na paghawak. Ang bula ay hindi lilipad kung hindi tama ang laman na hangin nito sa laki nito. Hindi maipagkakaila, mga kaibigan, na ang bula, bago pumutok ay magpapaligid-ligid muna. Malamang, hindi naman pwede na puputok muna ito bago ito magpaligid-ligid, hindi po ba?
Hindi ko mapagtanto kung bakit pero sa bawat paggawa namin ng isang malaking proyekto ay may nangyayaring masama? Una, 8/8/08, unang Integrated Project ng aming first year at mayroon ding masamang nangyari. Ikalawa, 12/04/09, pinaka-malungkot na oras ko. Maganda naman ang naging takbo ng aming IP noong araw na iyon, ngunit ang masamang nangyari ay nagbunga noong gabi. Iyon ay isang kwento para sa ibang araw.
"Lintik na buhay ito ah! Umiinom na nga lang pinapaalis pa!"
-Asong nainom sa toilet
Balikan natin ang bula. Bago ito makalutang sa ere, kailangan munang hipan ng sapat na hangin. Ganito rin ang nangyayari samin, bago lumigid-ligid ang sama ng loob, mayroon munang isang isyung magsisimula nito. Pagkatapos, liligid-ligid ito, nalaki ng nalaki. Ang tensyon ay talagang mararamdaman mo sa hangin!
[*]: What is the chemical symbol for Curium?[&]: QR![%]: QR?! Ahhahaha, FAIL!
Isa ito sa mga nakakatuwang mga sandali pagdating sa mga proyekto namin. Dahil sa dami ng ginagawa, marami ang nawiwindang. Bunga nito, maraming mga "comical" moment na tinatawag ang nangyayari. Tulad na lang kanina, matapos namin magpresent ng IP, naglaro kami ng mga bula sa loob ng klasrum. Oo, dun ko nakuha ang inspirasyon para isulat ito. Ang isa naming kaklase, ang pseudo-Neo-Nazing-mala-Hitler naming kaklase ay parang galit na galit sa bula na nagdive para putukin ito. Yun tuloy, PLAKDA!
Balik sa paksa, liligid-ligid muna ang sama ng loob. May mga maiirita dito, may magagalit doon. Pero, tulad ng bula, ang tingkad nito ay nawawala sa paglipas ng panahon. Pagkatapos ng IP, ang lahat ay naayos. Parang ang "calm before the storm" kung tawagin. Hanggang ayun, biglang sasabog ang bula at ang lahat ay magugulat.
Ito ang nangyari at hindi talaga naming akalaing mangyayari iyon. Ay ewan! Basta, kung ano ang mangyari ay mangyayari. Ang mahalaga ay walang masyadong magrereact ng sobra. Kung ano ang gusto ng Diyos, ito ay mangyayari. Marahil sinusubukan lang niya tayo.
Ang "moral of the story"?
Ang pagpasok ng titser sa klase at pagsasabing "magsiupo ang lahat" ay hindi palaging senyas na maglelesson
Magandang araw sa inyong lahat at salamat po!

0 comments:
Post a Comment