Pages

About Me

My photo
Writer, artiste, critic, debater, public speaker, pianist, singer, actor, pretty much a jack of all trades, that's me, 16 years old and going strong. My friends say I'm good at what I do, but honestly, I think I'm little more than mediocre. This is the story of my life.

Nov 3, 2009

Hamog...

"Huwhaaat?! Ano raw?" marahil ito ang naunang pumasok sa isip niyo nang mabasa niyo ang pamagat ng artikulong ito. Ngunit, panandalian ngang matananong, sigurado ba kayo na ito ang magiging paksa ng aking maikling naratib? Oo? Aba, tignan na lang natin. Hinde? Aba, magaling ka, sige, mag uumpisa na ako.

Umihip ang malamig na simoy ng hangin. Nagbabadya sa himpapawid ang mga nanunulos na ulap. Isang kurtina ng ulan palapit ng palapit sa kinaroroonan. Bawat patak, gumagawa ng maliit na ulap ng buhangin sa kalsada. Nadala ng hangin ang singaw ng lupa. Huminga ka ng malalim,tumingala at sinabi... "Narito na naman ang mga luha ng kalangitan..."

Ayan na ang araw! Nawala ang ulan! Nagdiriwang ang mga diyoses ng pagsasaya! Ngunit ano ito? Biglang... lumamig ang paligid... Napatungo ka at nakita, hamog na bumabalot sa paa mo. Naisip mo, kung ang ulap may luha, ano kaya ang tawag sa luha ng hamog... Mababa ang luha marahil ng hamog, sapagkat niyayakap na nito ang lupa...

MABABA ANG LUHA! Iyan ang aking pupuntiryahin sa gabing ito! Maghanda ka taong papatamaan ko. Hinde, joke lang iyon. Tulad nga ng sinabi ko, ang mga artikulong ito ay walang diwa na nagpapatama sa isang ispesipikong tao. Kung matamaan man siya, problema na niya iyon.

Halina mga kasabwat at tayo'y maglakbay sa kataka-takang kagubatan ng kababawan ng luha. Hala! Anu iyon, nasa kakahuyan? Isang halimaw, tumatawa, pagkalakas humalakhak! Pero ano ito? Nawala niya ang kanyang pinaglalaruan! Yumayanig ang lupa dahil sa hagulgol ng halimaw na ito. "Anu ba naman yan, andrama naman nito."

Mga kapatid sa pananampalataya, kung maaari ay ituon ninyo ang inyong pansin sa ekshibit A. Isang tao, buong araw siya nakikipaghalakhakan. Soooooooooooooooooobrang hyper. Wala nang ginawa kundi kag***han, kalandian at pakikipagbanatan. Ngunit, pagdating ng oras, nawala ang kanyang cellphone! Lahat na ng tao sinisi at nag iiyak all the way home to mommy.

Mga partner, ekshibit B naman po! Isang tao, nakipag away sa isang kaibigan dahil sa isang joke! Umiyak ng umiyak!

Isa lamang ang ating maoobserbahan natin sa mga sitwasyong ito. Bakit ba parang, napakasimpleng bagay, iniiyakan na? Oo, pwede rin na iyakan ito. Pero, para iyakan ito higit sa ilang sandali, hindi ata makatarungan iyon. Masasabi natin na mababa ang luha ng taong ito.

Kung ako ang tatanungin, pwede naman itapon na lang natin sila sa bangin at iwan para mamatay. O kaya naman ilagay sa isang hukay na may gutom na leon ang mga ito at iwan para kainin.

O hukom ng langit, ano nawa ang maaring gawin sa mga taong ito? Simple, kaibiganin, tulungan at panindigan. Iyon na lang naman ang magagawa natin para sa mga taong ganito. Ano pa ba? Gusto niyo, idaan sa isang makina na nagpapataas ng luha? Baka naman sumabog siya nun.

Sige, ito na lang ang mailagay ko. Masakit na ang ulo ko. Sige, paalam, hanggang sa muli! Kabalikatan sa kag***han, signing off! Ciao!

0 comments:

Post a Comment