Flash dito, flash doon, bato ng tanong dito, bato ng tanong doon. Iyan ang buhay ng isang reporter. Paano ba, mga kaibigan, maging mabuting reporter? Tama ba na iulat natin ang lahat lahat ng ating nakikita ng wala man lang pakundangan kung ito'y makasasakit sa damdamin ng iba?
Ano? Akala niyo ba media ang sasabihin ko sa inyo ngayon? Hinde! Pero, isisiwalat ko sa inyo ang isang uri ng tao na pwede nang maging reporter. Itago natin siya sa pangalang Usi.
Si Usi ay magalang, mabait at katuwa-tuwang bata--kapag kailangan. Pero, mas madalas kaysa hindi, siya'y pasaway. Matigas ang ulo--yung sa taas hindi sa baba-- at MALAKAS ANG BOSES!!
Pero, may isang bagay na naghihiwalay sa kanya sa iba pang bata. USISERO SIYA!!
Si Usi ay palaging makikitang nagmamasid-masid. Naikot-ikot, bigla-biglang sumusulpot na parang bula... ang kulang nalang ay makita ko siya sa ibabaw ng pader na parang espiya! *tumutugtog ang kantang "Fly on the Wall"* Makikitang nagpupusoy dito, makikitang nakikipagmurahan doon. Pero tulad ng media, HINDING HINDI nakakatawa.
Isang araw, sa bayan ng sariwa, naninirahan ang lahat ng uri ng gulay dito(hay Diyos ko! San na ba ako napunta!). Hindi, joke lang po. Nakakatawa ba? Kung oo, sige palakpakan tayo! Kung hinde, well, ganyan talaga, ginagaya ko lang si Usi. haha.
Isa pa pala, si usi ay para ring tagapagulat ng balita. Bakit? Halos lahat ng sinasabi o pwede ring kinikilos ng kinauukula'y ginagaya niya. Minsan nga napapaisip ako, bakit ba ito nasa sectiong ito? Kung ganun nga siyang katalino, bakit ganito ang asal niya? Bakit ganito ang ikinikilos niya?
Tulad ng mga reporter, nangbabakaw sila ng news. Eto ring taong ito, ako ang kausap, siya ang sumasagot ng bigla-bigla.
Isa pa, tulad ng reporter na wala man lang paalam na nagbibitiw ng salita. Parang siya, may ginagawa ka, may tinitignan ka, masilayan lang niya ito, hahablutin na, ni isang salitang pasintabi ay binibigkas.
Sa lahat marahil ng tao na pinakita ko dito, si Usi na ang pinakakinasusuklaman ko ang pagmumukha. Ni hindi ako magbibigay ng pananalitang pantanggol sa kanya, hayaan mo siyang magtanggol sa sarili niya.
Kababayan, OUT!
About Me
- Malkuthe Highwind
- Writer, artiste, critic, debater, public speaker, pianist, singer, actor, pretty much a jack of all trades, that's me, 16 years old and going strong. My friends say I'm good at what I do, but honestly, I think I'm little more than mediocre. This is the story of my life.
Nov 17, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment