Pages

About Me

My photo
Writer, artiste, critic, debater, public speaker, pianist, singer, actor, pretty much a jack of all trades, that's me, 16 years old and going strong. My friends say I'm good at what I do, but honestly, I think I'm little more than mediocre. This is the story of my life.

Jun 16, 2011

How Sad...

Ang hirap. Wala akong ibang salitang magamit. Ang hirap. Ang hirap hirap talaga. Alam mo yung pakiramdam na parang nagkampihan kayo ng kaibigan mo tas lahat sila magkakakampi, ikaw lang ang wala, yun pala, hindi kampihan ang laro, mataya-taya pala? Ganun ang nararamdaman ko.

Simula ng i-pull out ako sa pagiging enrolled... Oo! Hindi na ako estudyante. Naging mabigat na pakiramdam ko. Nawala lang un ng panandalian pagpunta ko ng school, kaso bumalik rin eh.

Tapos ngayon... Yung mahal ko, parang wala ng oras para sakin.. Siguro kasalanan ko rin, sinanay ko sarili ko na lagi siya kausap, lagi kakulitan. Kaso ang sakit rin naman na parang wala na siyang panahong kayang ilaan sayo.

Dadaan ang isang araw na miski isang text wala, para kang tanga, tingin ng tingin sa fone, wala naman yung text niya. Pagsapit ng dilim, maeexcite ka, nagbabakasakaling di siya busy ngaung gabi, kaso, aun, busy parin.

Kahapon nga, ni I love you wala eh.. Nauunawaan ko naman.. Talagang busy ang college life, lalo na't 100% scholar siya.. Kaso ang lapit ko nang umalis eh.. At nangangamba ako na baka di na kami magkita ng tuluyan..

Kung di lang kami aalis, mag aabroad, edi sana hindi ako nagkakaganto. Nababalisa ako eh. Nangungulila ako sa piling niya.. Alam mo yun? Parang nahanap mo na ung taong magmamahal sayo kung pano mo siya minamahal tas ipagkakait pa siya sayo ng mundo?

Kag*guhan naman kasi eh. So what kung may mas magandang future, libreng health care? Wala naman SIYA dun! May bagong opportunities nga, opportunities na sirain ang buhay ko. :(

Ang tanging hiling ko lang naman, makasama, makausap ka bago man lang ako umalis. Gusto ko maramdaman yung init, ung security na kaakibat ng pakikipag usap sayo ulit.. Ngayon kasi parang wala na eh.. Busy ka na kasi.. Gusto ko ulit maramdaman yung feeling na di ako nag iisa.. Kaso.. Ayun nga.. :(

Alam ko naman na para sa kinabukasan mo yan eh.. Kaso.. Natatakot ako. Sorry... Pero yan talaga ang himig ng puso ko ngayon eh.. Alam ko na kelangan mo yan.. Kaso natataranta na ako eh.. Higit kumulang isang bwan nalang ang nalalabi... At alam mo naman kung gaano katagal lumipas ang ganung panahon...

Walang wala na ako sa wisyo.. :( sana nandito ka.. :(

Sorry ah.. Kelangan ko lng talaga malabas..

posted from Bloggeroid

0 comments:

Post a Comment