Mmm.... malinamnam, mahalimuyak... Maitim, lumalangoy sa langis! Anu-ano ba ang maaring ilagay sa adobo? Manok, baboy, aso at... PALAKA! Asoos! Mag iinarte pa, masarap naman ang adobong palaka!
Kwento ko sa inyo:
May isang lalaki, nagpunta siya sa kanyang kapitbahay upang mag hapunan. Pagdating niya roon, nakita niya, ang handa sa kaniya ay adobong palaka! Natapos siya kumain, sarap na sarap siya. Tinanong niya ang katulong "Saan niyo po ba ito nahuli? bakit anlambot?" Sinagot siya ng katulong "Sa kalsada po, nasagasaan ng bus"
NASAGASAANG PALAKA!!
San ka nakakita ng taong ganito matulog? Ako, nakakita ako ng ganito, di higit isang linggong makalipas. Ano ba ang taong nasagasaang palaka kung matulog? Ito ang walang ginawa kundi mag iikot, mag dadadapa, mag lililikot!
Susmariajose! Tumayo ka lang ng ilang saglit wala ka nang hihigaan pag balik mo. Masaya katabi pag natutulog? HINDE! Kulang na lang pagsususuntukin ka't pagbububugbugin ka eh.
Wala na po ako masabi. Salamat sa pagbabasa. Malalaman niyo mamaya kung bakit. Ciao!

1 comments:
ayyyy!!! nanggagaspang sa isang tao dyan... HAHAHAHAHAHA!!!!! Jowk lang sa taong ma-oofend...
Post a Comment