Pages

About Me

My photo
Writer, artiste, critic, debater, public speaker, pianist, singer, actor, pretty much a jack of all trades, that's me, 16 years old and going strong. My friends say I'm good at what I do, but honestly, I think I'm little more than mediocre. This is the story of my life.

Oct 30, 2009

Kilala Niyo ba si... Polyphemus?

Aha! Huling-huli! Hindi mo kilala si Polyphemus noh? Halaa... Pano ba iyan, pano ka kaya papasa sa 4th year?

"Ako Polyphemus! Binulag ni "Walang Tao!" Tulong kayo mga kapatid sakin!" Ito ang sigaw ni Polyphemus matapos siyang malinlang ni Odysseus. Si Polyphemus ay isang Cyclops. Anak ni Poseidon, diyos ng karagatan, lindol at mga kabayo.

Ganito kasi ang nangyari, si Odysseus at ang kanyang mga kawal ay napadpad sa isla ng mga Cyclops at pumasok sila sa isang kweba. Hindi nila alam na ito ay ang kweba ni Polyphemus, ang pinaka tanyag sa mga Cyclops. Nang malaman ni Polyphemus na may mga tao dito, binara niya ang lagusan ng kweba at kinain para sa hapunan ang dalawa sa mga kawal ni Odysseus.

Kinabukasan, kinain muli nito ang dalawa sa mga tao ni Odysseus at lumabas sapagkat siya ay isang pastol. Agad-agad nag isip ng plano upang makatakas si Odysseus at nang makabalik ay mayroon na siyang nagawa. Inimbita niya si Polyphemus para uminom ng alak. Kahit mabangis nga si Polyphemus, di naman ito gaano katalinuhan at nagpakalasing nga ito. Ngayon, tinanong nito ang pangalan ni Odysseus at sinagot naman ni Odysseus na siya ay si "walang tao(sorry naman, literal na translation eh)" o No Man sa ingles. Sabi ni Polyphemus na huli niyang kakainin ay "Walang Tao" at nakatulog ito. Binulag ni Odysseus at tumakas na ang mga kawal niya habang nakatali sa ilalim ng mga tupa ni Polyphemus.

Bakit nga ba si Polyphemus? Tignan natin ang impormasyon, tatay niya si Poseidon, diyos ng karagatan, so, kalahi niya ang mga isda. Kaya naman, mukha siguro siyang isda. Tapos, malaki siya! Baka amoy isda rin. May kilala kayong ganito? Ako oo, meron talaga!

Itago natin siya sa pangalang Polyphemus(nyek) haha. Ang taong ito, grabe, walang ginawa kundi purong kabulastugan. Ngunit, nang dumating ang oras na nararapat nang pagalitan, ayaw niya umamin at idadamay pa ang iba sa parusang dapat ay sa kanya lamang. Ang iba naman, ayaw talaga magsalita dahil natatakot! Aba! Sino ba naman ang hindi matatakot kung ang makakalaban mo ay malahiganteng isda!

Ikalawa, napaka epal, pag nanahimik ka, biglang itatanong "Anong problema mo?". Tapos, mag uumpisa pa ng tsismis na kayo na nitong someone na malapit mong kaibigan. Nakakairita noh? Tapos wala pang ginawa kundi magsalita ng magsalita. Ni hindi nga ata ito nagtootoothbrush eh. Sabi nga ng mga kaklase ko, orange na daw ang ipin niya!

Ikatlo, nagiging mayabang siya. Pag nanggagaso, gusto niya, siya lang ang naggagaso at hindi rin siya gagaspangin. Ano naman kayang klaseng tao ito? Pag ginagaspang napipikon at nananahimik na lang.

Ikaapat, sinong tao sa tamang pag iisip ang magtataboy ng isang kaibigan para lang sa isang bagong dating na kaibigan o kaya naman ay isang kakontsaba sa ibang paraan.

Hay nako, ano na ba ang nangyayari sa ating mundo? Bakit andaming mga MUTANT?! Sapat na nga ang mga mukhang unggoy eh, bakit may mukhang isda pa?!

Eto ang inyong kabalitaan sa radyong sira, signing off! Hanggang sa muli! Ciao!

3 comments:

.nikx :] said...

tae!!!..g*go ka tlga paulo ka!!!so sya pla c polyphemus???grabe...ansama e!!!.hmm...well isa lng ang masasabi ko sayo a..hnd ko pa sya gnun kakilala at hnd ako natatakot sa malahiganteng hayop na yan..bsta ang alam ko,,malambot prn ang puso nyan..hayop ka tlga paulo..:))adik e!lakas patama!haha..well,eto nnman ako at muling nagccomment sa post mo!paalam dakilang pang-gas(o..meron na ko twag sayo..:P,haha.)..:D

Malkuthe Highwind said...

:)) Aun! wahaha. Binigyan mo ko ng ideya para sa isa pang post :D. wahahaha. :D

.nikx :] said...

adik ka tlga kht kelan!!!tsk3!!wahaha!..well..hnd na naman yan bago pa sakn..adik ka na pla tlga:))haha.eniweiz..gwa lng ng gawa..:))sbhin mo nlng ulet skn pag meron na..nako!lakas trip!

Post a Comment