*croo...**croo...*(tunog ng kuwago) Isang madilim na gabi... *AROOO!!* Sa isang malayong lugar, kaylayo na pawang ito'y nasa kabila ng kalawakan... "P********a!! g**o!! Hayop ka!! Lumayo ka sakin hayop ka!!" Sumisigaw, umuugong sa kapaligiran...
Sa inyo, ano ito?
Sirit? BABAENG MAY PERIOD!
Sa kasamaang palad, HINDI iyan ang pag uusapan natin ngayon. Sa katunayan, dalawa nga eh. Unang-una, yung taong napaka misteryoso. WALANG nakakaalam ng buhay niya. Ikalawa naman ay ang taong kung magkaroon ng moodswing na MAS malala pa sa babaeng may dismenorrhea na nakaupo sa upuan na gawa sa pako.
Ngayon naman, umpisahan na natin. Maihahalintulad natin ang unang klase ng tao sa isang salamin na may usok sa harapan. May mga parteng nakikita, ngunit mas marami ang hindi. Hep hep heeep! Wag titingin, baka mabasag! Isipin niyo na lang.
Yung tipong, pag nahulog siya sa bangin at ikaw na lang ang maasahan niya magligtas sa kanya ngunit ayaw mo hanggang sabihin niya ang kwento niya mas pipiliin pa niyang mamatay kaysa gawin ito. Halaaa... sino kaya ito? Mag ingat kayo, baka naman pag nagtakipsilim, lulumulutang na damit na lang ang makita niyo sa kanya.
Misteryo... Misteryo... Misteryo... ito ang bumabalot sa kanya! Kulang na lang magrosaryo ka na dahil sa dami ng misteryo niya eh. Ngunit, ano nga ba talaga ang taong ito? Siya ba ay simpleng mahiyain lamang?
Pwede, pero may kilala ako na sobrang kapal ang mukha eh. Hindi lang ba marunong magtiwala sa tao? Pwede, kaso, yung kilala ko, kahit nabalian mo na siya ng parte ng katawan pagtitiwalaan ka eh. May away ba ito sa mga tao? Posible! Malay mo, ginapos siya sa puno ng higera, muntikan na ipakain sa leon at tinangay ang ibig niya!
Baka naman hinde. Ngunit, di naman natin magagawa kundi magtaka at magspekula tungkol sa nakaraan at nangyayari sa mga taong ito... shhh... nakakatakot, ano ba yan!
Sumusunod naman, ANG TAONG KUNG MAY MOOD SWING AY MAS MALALA PA SA BABAENG NAGLALABOR.
Grabe, nakakatawa na lang, isang minuto bumabanat banat ng mga korni na joke, tapos biglang manlilisik ang mata sa galit, ilang segundo pa, hahagulgol ng iyak, tapos maya maya okay na naman! Wala ka namang magagawa kundi matawa eh.
Meron din namang pagharap, parang nanalo sa lotto. Tapos, pagtalikod, makikipag usap sa isa pang tao. Pagharap, nako! Kamukha na ng taong nakaembalsamo! May kilala akong ganyan. Natutulog siya ng maaga pag biyernes tapos ang gising niya, sabado ng hapon.
Taong may mood swing:
[&]:When is 13.20=3.70?
[*]:When?
[&]:When trisibinti=trisibinti!
[*]:Ha? aah... *AHAHAHAHA* KORNIII!!!
Maya maya...
[&]:Oi, pwede ba, ako nga'y tigil tigilan mo! Baka mapahabol kita sa Labrador namin!
[*]:Oh? Talaga? Ano ba pangalan?
[&]:Berting!
[*]:Berting? San naman nanggaling yun?
[&]:Berting Labra! dating komedyante yun eh!
[*]:*AHAHAHAHA*
[&]:Hindi ako nagbibiro!
[*]:Ay... sorry, akala ko kasi...
[&]:*huhuhuhuhuhu!!* Bakit mo ba ako di maintindihan? Kaibigan mo naman ako hindi ba?
Nakakatuwa hindi ba? Ang sarap sarap batuhin ng sapatos. Kung di lang ako mabait eh... Haha. Sorry, wala na ako maisip eh. haha. Di gaanong nakakatawa ang post na toh. Sorry talaga.
So, ayun, dapat unawain sila at kaibiganin.
Kapartner sa lahat ng kawalang hiyaan, SIGNING OFF!
About Me
- Malkuthe Highwind
- Writer, artiste, critic, debater, public speaker, pianist, singer, actor, pretty much a jack of all trades, that's me, 16 years old and going strong. My friends say I'm good at what I do, but honestly, I think I'm little more than mediocre. This is the story of my life.
Oct 13, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment