Pages

About Me

My photo
Writer, artiste, critic, debater, public speaker, pianist, singer, actor, pretty much a jack of all trades, that's me, 16 years old and going strong. My friends say I'm good at what I do, but honestly, I think I'm little more than mediocre. This is the story of my life.

Oct 26, 2009

Super Pi-syal!

Ang mahiwagang mensahe! wek-wek-weeewwwew... Joke lang.

Hayan na siya! Ibon? Eroplano ba siya? Hinde! Narito na si Super Pi-syal! Hay, joosko, ano iniisip niyo? Tibo itong "Super" hero na ito? Mali! Tignan na lang natin ang mga mangyayari.

Tumingin sa paligid si Super Pi-syal A.K.A "SPs". Nabulag siya sa sinag ng araw nang tumingin siya dito. Ngunit! Katuwa-tuwa, Kagila-gilalas, kamanghamangha, nalipad parin siya! *Crash* Hay, joosko, ano ba naman iyan, bumangga sa puno!

Nahihilong bumagsak ng ilang palapag si SPs. Paghagalpak niya sa lupa, nawalan ng malay, at mukha pa atang tinangay ng aso ang kanyang sapatos! "Tulong-tulong!!" ang narinig na sigaw mula sa malayo. Nabuhay ang diwa ni SPs, at tumakbo siya, kaso nadapa, paano ba naman, isang paa lang ang may sapatos. "Derek! Batuhin mo nga ng sapatos!" ang nag aalinlangang sigaw ng isa sa mga nagtatrabaho sa studio kung saan ifinifilm ang pangyayaring ito.

Nang matamaan ng sapatos sa mukha, ito'y sinuot ni SPs at kumaripas ng takbo. Agad agad niyang tinunton ang pinanggagalingan ng sigaw. Ngunit, nakita niya, naligtas na ang mga ito ni Super Inggo! "Ano ba naman iyan! Naunahan na naman ako ng pesteng yun!" panambitan ni SLt na mukhang paiyak na.

Nilapitan siya ng humingi ng tulong at sinabi nito. "Tahan na SPs, sigurado ako, pag binato mo ang buwan at di mo ito tinamaan, mga bituin ang tatamaan mo. Wag ka na ganyan, ang mga perlas na nagbabatis sa mata mo ay patigilin mo na." "Ano? Pano ko babatuhin ang buwan, hindi naman ako ganung kalakas, makakatama lang ako ng pusa sa bakod. Perlas? Ni hindi nga ako mayaman eh. Bakit mo ba ako iniinsulto!!" sigaw ni SPs habang umiiyak na lumipad palayo.

Napakamot ulo na lamang ang kanyang nakasalamuha ng gabing iyon.



"Ano ba naman iyon! Kontrobersiya ito! Bakit ganito ang nangyari sa isang super hero? Ano nga ba ang kanyang kapangyarihan? Bakit ganito ang naging reaksyon niya? Propesor, maaari po ba na aming itanong kung bakit ito nangyari sapagkat kayo naman ang lumikha sa super-hero na ito?" tanong ng reporter sa isang matandang propesor sa labas ng newstation. "Aba, oo naman" sagot ng propesor. Tumalikod ang newscaster at ibinulong sa cameraman. "Psst! Gaano na ba katanda itong propesor na ito, bakit parang bumalik na siya sa patay mula pa nung panahon ni Kristo?" "Ano iyon anak? Hindi ko narinig ang sinabi mo." wika ng propesor. "Ah.. em... Wala po propesor, ngayon po, pwede niyo na po ba ipaliwanag kung bakit ganito ang nangyari?" Sabi ng reporter, ang kanyang tuhod nangangatog sa takot. "Aba, oo naman..." sagot ng propesor.

"Anak, ganito kasi iyan. Alam mo naman ang totoong pangalan ng super hero na ito hindi ba? Super Pi-syal. Kung gagawin mo itong ingles, ito ay magiging Super Fi-cial. Kung susuriin itong maayos, ito'y magiging superficial. O, kung ilalagay sa mababang pananalita, shallow. Ibig sabihin, mababa talaga ang kanyang pag iisip. Sa katunayan, maihahalintulad pa siya sa t***a. Sa kasawiang palad, hindi ko masasabi kung bakit pati sa kapalaran, ay wala siyang kwenta!"

Ano masasabi niyo sa aking maikling kwento? Grabe hindi po ba? Ansakit magsalita ng propesor. Ngunit, ipasintabi muna natin ito. At suriin natin mabuti. Nakakilala na ba kayo ng tao na, parang walang kamuang muang sa mundo? Yung tipong pag nagbitiw ka ng di gaanong malalim na "figure of speech" ay di na maiintindihan? O kaya naman, pag kinakausap mo, di manlang susubukin na magseryoso.

Siguro, hindi lamang mababa sa pag iisip, superficial na rin siguro pati sa respeto, pagmamahal, pakikipaghalubilo. Paano ba naman, saan ka nakakita ng taong magbibitaw. "Ganyan ang life, parang buhay" I mean, hello! Obvious ba?

O kaya naman, yung taong, pag kinakausap mo ng matino. Susubukan pang mag joke. Tipong, may problema ka, sasabihin mo sa kanya. O kaya, may problema ka sa kanya, magtatapat ka sa kanya na problema siya sa buhay mo(parang kung gaano katagal maligo ang mga babae[most likely ang nanay at nakatatanda/ate] para lang sa pagpunta sa mall kung kaya pagdating doon ay late na). Isa pa pala ito, Superficial sa timing. Ay, let's not use the word superficial, di bagay. Walang kwenta na lang sa timing.

Kilala ko ang secret identity ni SPs! Hindi ko na lang sasabihin kung sino. Pero, nagtataka ako, bakit hinding hindi ko nakikita na magkasama itong dalawang ito? Hinde! Wag mo sabihing!

Ahh! Pareho lang siguro sila! Hay nako, sige na nga, sasabihin ko na kung bakit hindi dapat sila idiscrimina. As usual, may roots ito sa development ng tao. Tignan mo si London Tipton, perpektong match siya sa taong ito. Pero hindi siya ito. hehe.

So aun, isa na namang kasulatan ng kag**uhan. Ito ang inyong lingkod. *boses ni Nico Bawa* ***** ****** patrol ng pilipino. Signing off! Hanggang sa muli! Naenjoy niyo sana ang maikling naratib na ito. Salamat muli sa pagbabasa.

0 comments:

Post a Comment