Firing one, firing two! Bakit nga ba ito sinasabi pag tumitira ng misayl o torpedo ang mga sundalo?
NAPAKA unrelated ata ng una kong bitaw na mga salita sa aking sasabihin ngayon. Torpe, bakit naman sila pa? Nakakahiya man sabihin, ngunit nangnangailangan kong magpakatotoo. Torpe rin ako! Pero hindi naman sa punto na kahit yung gusto ko ay hinding hindi na malalaman na may gusto ako sa kanya.
Ano nga ba ang torpe? Hindi ba't ito ang mga taong kulang na lang ay mamatay sila bago pa man magsalita ng patungkol sa iba. Siguro maihahalintulad mo ang mga ito sa mga "toperwayr" na tao.
Siguro, marami-rami rin kayong makikilalang ganito sa paglalakbay niyo sa daan ng buhay. Lahat naman ata ng tao ay may pagkatorpeng nilulukob.
Marami akong kilala na ganito, mayroon ngang parang walis tingting, meron rin namang parang sinasapian ng masamang espiritu. Ngunit, masaya naman silang maging kaibigan. Nauunawaan ko sila dahil kung tutuusin, mahirap nga naman magpakatotoo pagdating sa bagay na tulad ng pag-ibig.
Torpe, Torpe, Torpe! Ang sarap hiyawan ng mga taong torpe. Naks naman.
Kulang na lang siguro ay himatayin sila sa harap ng taong nagugustuhan nila pag nakikita ito eh. Joosko, kalandian naman. Yung mga tipong, mabanggit lang ang pangalan ng gusto nila mamumula na.
Bakit nga ba, tanong ko, may mga taong ganito? Baka naman dahil sa may nangyari sa buhay nila na di gaano kayaaya. Bakit? Malay mo, yung isang tao diyan, nagtapat sa nagugustuhan niya pero sinampal siya, tinamaan siya ng prutas na nanggaling sa punong nasa ibabaw ng bahay nila na siya ring inakyatan niya nang ipahabol ng magulang ng kinagugustuhan niya sa kanya ang aso at nakagat pa siya sa puwet. Malay mo! Natrauma siguro.
Tanong ko sa iyo, ikaw ba, kaya mong tapatin ang pag ibig mo sa isang tao basta basta na lang? May nagtataas ng kamay? May sumagot ng oo? O siya na, kayo na! Maniwala man kayo o hindi. Napakahirap nito gawin. Malay mo nga mabagsakan ka pa ng kamatis eh. Ni hindi ko nga alam kung bakit kamatis ang ginamit ko na gulay dito.
Hello? Nandiyan ka pa ba o mahalagang mambabasa? Alam ko, di gaano nakaaaliw itong artikulong ito, ngunit makisama na lang kayo ha?
Sa inyo namang NAPAKAKAKAPAL ng mukha! Matauhan naman kayo! Yung mga tipong makita lang ang taong nagugustuhan nila, sasabihin. "Ui, crush kita! Nasa akin LAHAT LAHAT ng hinahanap mo sa isang tao! Tayo na ba?" Pwede ba, magmumukha lang kayong t***a.
Oo, baka may ibang magsasabi diyan, "Anlandi mo naman! May nalalaman ka pang katorpehan! May nalalaman ka pang hiya hiya diyan." Oi, excuse me, mas maganda naman siguro yun sa sobrang kakapalan ng pagmumukha.
Masaya naman makasama ang mga taong ito, sa pag ibig lamang naman sila nagugulungan ng malaking gulong ng kapalaran eh. Isipin mo noh, magtatapat ka ng pag-ibig, biglang nasagasaan ka ni Capt. Jack Sparrow na nakasakay sa malahigante niyang gulong. Ang saya siguro nun.
Bumalik tayo kay torpe*do.* Eto, word of advice(naks naman, ingles!), kung alam mo naman na walang masamang mangyayari, bakit di mo pa gawin? Wala ka namang ikapapahamak eh, sana. Ngunit, di naman palaging ganoon ang sitwasyon, hindi po ba mga MALALANDI diyaan?
Siguro, gawin na lang natin lahat ng makakaya natin para sila'y intindihin at matulungan. Ano na kaya ang mangyayari sa ating mundo kung lahat ay torpe? Nako! Wag naman sana! Baka magkahiyaan pa ang mga tao sa paghinga ng hangin ng minamahal nila ng palihim!"
Hayun, isa na namang ulat mula sa walang patid na kasamahan ninyo sa kag**uhan at kat***ahan. Salamat muli sa pagbabasa.
About Me
- Malkuthe Highwind
- Writer, artiste, critic, debater, public speaker, pianist, singer, actor, pretty much a jack of all trades, that's me, 16 years old and going strong. My friends say I'm good at what I do, but honestly, I think I'm little more than mediocre. This is the story of my life.
Oct 10, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment