Ang pagtawa ay isang napakahalagang parte ng ating buhay. Ngunit, nakakita ka na ba ng taong kung tumawa ay parang wala nang bukas? Yan ang nangyayari sa aming klase kapag nagsimula nang bumanat ang taong nasapian ni Loki.
Bakit si Loki? Marahil tanong niyo ito. Para lamang sa ikabubuti ng lahat, si Loki ay isa sa mga Diyos ng mga Norse. Tinatawag rin siyang "Loki the trickster."
Ang taong ito, lahat na siguro ng kabulastugan, lahat na marahil ng kamang mangan ang nagawa, at lahat ng tao ay natatawa parin sa kanya. Nakakahiya man sabihin, kahit nga ang mga taong nagpipigil ng tawa, kayang kaya niya patawahin. Ngunit, sa kabila ng lahat ng ito, marahil, may tinatagong solemnidad sa kanyang kalooban itong taong ito.
Oo, nakakatuwa kasama ang taong ito, pero, kung hindi niyo man siya kakaibiganin ng maayos, baka lang ito mapawala. May mga taong ganito, napakasaya, pero sa ilalim, may nililihim. Kung lulukubin nila ito, baka naman kung ano ang mangyari sa kanila.
Mayroong mga taong sinapian ni Loki. Mayroon din namang mga tao na ang tawag ay sinapian lamang. Katawa-tawa ang mga taong ito. Bakit? Dahil isang minuto natawa sila, maya-maya nanlilisik ang mata sa galit, ilang minuto makalipas humahagulgol na ng iyak. Oo, katawa tawa sila, pero tama ba naman na pagtawanan natin sila? Hindi, dahil baka may kaguluhan silang nadarama sa emosyon nila.
Bumalik tayo sa taong sinapian ni Loki. Sa ating buhay, marahil, marami tayong makikilalang ganito. Kahit nga ako, marami na akong ganito na kilala. Masaya sila maging kaibigan, pero kung tutuusin, di sila ganoon kabilis magtiwala.
Maghanda ka, pag biglang nagseryoso ang taong sinapian ni Loki, isa lang ang ibig sabihin nito. Nag iisip na ito ng matindi tinding banat!
Nakakatuwa siguro na makakita ng ganitong tao na nakatanga sa isang tabi, nakangiting aso, pawang nag iisip ng kung ano. Sa kasawiang palad, lahat ng kilala kong mga sinapian ni Loki, pag natatahimik, seryosong seryoso.
Ano na kaya ang mangyayari sa ating bansa kung lahat ng pilipino ay ganito. Diyos kong maawain, wag naman sana! Baka lalo pa tayong mawalan ng kinabukasan.
Hanggang sa muli!
About Me
- Malkuthe Highwind
- Writer, artiste, critic, debater, public speaker, pianist, singer, actor, pretty much a jack of all trades, that's me, 16 years old and going strong. My friends say I'm good at what I do, but honestly, I think I'm little more than mediocre. This is the story of my life.
Oct 8, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
ahaha!!!..grabe.naaliw ako sa post mong to..pramis!haha..kng anu anong naiisip ko habang nagbabasa e..umiikot sa mga nagyyri at mga tao sa loob ng clasrum..haha.beri gud pau!!nice job!:))
anyway,lagi ka maglagay ng bago ah..and i'll be waitng for the Ms and Mr ekek.bwahaha..tska un sususnod mong post a,,go naman!:))aun.gege..gling!
Post a Comment