Pages

About Me

My photo
Writer, artiste, critic, debater, public speaker, pianist, singer, actor, pretty much a jack of all trades, that's me, 16 years old and going strong. My friends say I'm good at what I do, but honestly, I think I'm little more than mediocre. This is the story of my life.

Oct 9, 2009

Ang Dakilang Lapastangan *ay nadulas!*

Tat-tararat-tatatat-tararat-tatatatat-taratatAAT!! *lulunok ng toilet plunger* Ackk!! Ang Dakilang Lapastangan!!

Isang salita, "G**O." Oo na, censored yan, bawal magmura eh. Mga kaututan sa pananalita, nakakita na ba kayo ng taong ganito? Hindi naman siguro yung sobra-sobrang g**o na tao. Yung tipong kinaawaan niya ang sarili niya dahil lamang sa isa niyang ginawa at magagawa pang sisihin ang kapwa dahil dito. Hindi lang iyon, MAYABANG pa sila. Mga kapatid sa pananampalataya... kailangan natin aminin, masaya din silang kasama. Hindi po ba?

HINDE!

Sino ba naman sa tamang pag iisip ang magsasabi na masayang makasama ang mga taong ganito? Maari ba akong makakita ng pagtataas ng kamay? Meron? Ahh... pwede ka na sa MENTAL ASYLUM.

Ukol naman sa titulo, "Ang Dakilang Lapastangan *ay nadulas!*" Ni hindi ko nga rin maisip kung bakit sa lahat ng pamagat na pumasok sa isip ko ay iyon ang nilagay ko. Ngunit, di naman pwedeng hindi ko ito ipapaliwanag hindi po ba? Eto, ang isang super hero ay simbolo ng kabayanihan hindi po ba? AT nakakatawang isipin kung palpak ang mga ito. Isipin mo na lang, si superman, paglanding niya sa ibabaw ng building napunit ang pantalon niya at ang brip niyang nasa labas. Nakakatuwa at napakalaswa isipin hindi po ba? Kaya naman ito ang naging pamagat ko ay dahil nakakatawa ng tunay ang pagpalpak ng isang taong ganito.

O, bumalik tayo sa g**o. Ano ba talaga ang pagkakakilala natin kay "D.L.(Dakilang Lapastangan)" Inuulit ko, Dakilang Lapastangan, hindi download. Ang pagkakakilala natin dito ay isang makulit na tao, pala tawa, magaling bumanat, "mabait" daw, yung tipong nakakabanas pag nagsimulang mangatwiran.

Mayroon pa ngang may malalaking ilong, may makakapal na kilay, at siguro, punung-puno ng buhok ang katawan. Naiisip ko tuloy ang gorilla.

Bumalik na naman tayo, makikilala mo siguro ang taong ganito, minsan sa iyong buhayresults may vary. Pero, sa oras na makikita mo na grabe na ang kilos nito, maiirita ka na. Bakit? SINO ba naman ang hindi maiirita sa taong makikipag break sa GF, sasaktan ito ng labis at pagdating ng panahon na nais na makipagbalikan nung GF sasabihin niya "Tumigil ka nga, g**o k eh, sinira mo ang buhay ko. Lahat na ng tao naaawa sakin dahil saiyo!" Aba, tignan natin, sino kaya ang maawa dito?

Meron na naman? Grabe, ano ba ang nangyayari sa ating mundo? Lahat na ata ng tao ay nahihibang!

Ngunit, sino ba ako para magsalita ng mapanira? Marahil di ko na dapat ito gawin. Ayon sa ilang pag aaral, maaring ang mga taong ito ay may mapait na nakaraan. Oo, dapat natin silang kaibiganin. Siguro, magiging mas mabuting tao sila.

Bale, ganito ang gagawin mo pag may nakilala ka na ganito.
  1. Kilalanin mo siya
  2. Mairita ka sa ugali niya
  3. Unawain mo kung may mapait siyang nakaraan
  4. Kaibiganin mo siya
  5. Sabihin mo na naiinis ka sa kanya at kung ano ang maari niyang baguhin
  6. (Opsyonal, kung malaki ang katawan niya o ng kahit sino na kakilala niya) TUMAKBO KA NA!!
Balikan muli natin si "D.L." Hindi si Apolinario Mabini! Hindi yan para sa Dakilang Lumpo! Matuto na lamang siguro tayo na unawain sila. Pag sumobra na ang ginagawa nila, marahil, dapat na lamang natin silang kausapin. At, muli, maari pong gawin ang ikaanim na hakbang na nakasaad sa taas.

Siguro nga may mga taong g**o pero, wala naman tayong magagawa eh. Unawain na lang natin sila at kaibiganin. Siguro ito pa ang makapagdudulot ng mabuting pagbabago sa kaniya.

Yun lang po sa ngayon. Salamat sa pagtunghay sa isa na namang kabanata ng "Ang mga Taong Makikilala mo sa Buhay"

2 comments:

duday said...

bwahahaha!!.grabe..pag nagbabasa ako ng post mo these past few days natawa ko..ewan ko kng bket!!!..ahaha!!.bwct!:))kabaliw..hmm..kawawa aman ang mga g**ong tao sa mundo..tsk3..haiiix..kelan kaya kmi maiintdhan??wahaha..jowk!!!..patuloy mu lng ah!naaaliw ako!beri gud!:))

.nikx :] said...

----wui..comment ko yan..ibng account ata ung nagamit ko e...:))..hahaha!LOL.amp..:))..

Post a Comment