Pages

About Me

My photo
Writer, artiste, critic, debater, public speaker, pianist, singer, actor, pretty much a jack of all trades, that's me, 16 years old and going strong. My friends say I'm good at what I do, but honestly, I think I'm little more than mediocre. This is the story of my life.

Oct 12, 2009

Kalan...

Maligayang bati bayan, napagtanto ko na walang kakwenta kwenta ang mga nailagay kong mga artikulo noong mga nakaraang araw. Kaya naman ngayon, ako'y maglalahad sa inyo ng mga kakornihan na tungkol sa isang importanteng kagamitan sa lahat ng lutuan, mapaprobinsya man o mapasiyudad. Ano pa ba ito kundi kalan?

Totoo ba ito?

F.Y.I. HINDE!

Oi! Excuse me naman, hindi ako ganyang kat***a para magsulat ng tungkol sa kalan noh! Diyos ko day! Sa tingin niyo, ako, magsusulat ng tungkol sa kalan?

Kalan... Kalan... ano ang unang pumapasok sa ating isipan? Diba ang kagamitan sa kusina? Tama, oo, kagamitan sa kusina, pero sa sulating ito, HINDI iyan ang kaso!

Kalandian! Yan ang pakay kong ilahad ngayon! Lahat ng tipo ng kalandian mula sa paglugay ng buhok at pagtaas ng kanan tapos kaliwang balikat ng magkakasunod at mangisay ng parang bangkay hanggang sa magpanggap na hinihimatay para mapansin ng crush. Yan ang tatalakayin ko ngayon.

MALANDI!! Ano ba ang unang pumapasok sa isip natin? Usapang matino, sa akin, ang napasok sa isip ko ay mga babaeng tumitili, mga lalaking nagpapakasiga ng paglakad, mga babaeng naglalagay ng make up na sobrang kapal na parang plastik ang mukha, AT ang pinakamalala sa lahat, MGA TAONG WALA NANG GINAWA KUNDI DUMIKIT SA CAMERA, mapababae man o mapalalaki.

Excuse me poh! HINDI ako malandi! Ni hindi nga ako nagpapakita sa harap ng camera eh.

Kalandian, joosko po! Saan naman kaya natutunan ng tao ito? Kung babae lang ako tapos may ganitong nanligaw sakin, sasampalin ko siya, hahabulin ng itak, sasabuyan ng asido at ipahahabol sa aso ng kapit bahay ko!

San ka ba naman kasi nakakita ng taong banggitin lang ang pangalan ng crush niya kasunod ang pangalan niya mamumula na agad? O kaya naman yung nagsasabing "Ui! Crush kita, nasa akin LAHAT LAHAT ng hinahanap mo. Tayo na ba?" Ang sarap batuhin ng sapatos hindi po ba?

Bakit nga kaya may mga malalandi? Dahil ba ito'y takot sila sa "rejection" o simpleng MALANDI lang talaga sila? Kayo namang mga TORPE diyan at MAHIYAIN, pwede ba, kunin niyo na ang SOBRANG kalandian sa mga taong ito at magpakanormal naman kayo!

Iba't iba na rin siguro ang mga tipo ng malandi. May nakita na nga ako, lahat ng galaw ng crush niya dinodokumenta. Meron din namang SOBRANG dikit ng tingin, ni hindi na pumipikit ang mata. AT ang pinakamalalang kilala ko, sa harap ng crush niya, ilalagay sa kanang balikat ang buhok na nakatali, itataas at ibababa ang mga balikat ng salitan, tatawa ng mahinhin at magpapaka "demure."

OO na, ikaw na yun. Wag ka na magreklamo!

Hayy... ano nga ba ang magagawa natin sa mga taong ito? MALIBAN na lang sa pagtapon sa kanila sa isang bangin, tumawa ng tumawa pag narinig silang sumigaw ng "Darna!" at sundan sila sa kamatayan dahil sa katatawa.

Siguro ang pinakamagagawa na natin para sa kanila ay ang intindihin na lang sila. Ipagdasal, o kaya nama'y kaibiganin sila. Baka kasi kung anong masamang nangyari sa kabataan nila ang nagdulot nito. Malay mo, makatulong ka pa sa pagbabago para sa mabuti ng isang tao!

Narito muli ako, kasama niyo sa kat***ahan kag**uhan, kabulastugan at higit sa lahat, kawalang hiyaan. Nagpapasalamat, nagbibigay pugay at sumasaludo sa kahibangan ng modernong tao. Muli, salamat sa pagbabasa at paalam para sa araw na ito. Hanggang sa muli.

1 comments:

happywithmybestfriend said...

hahaha.hay nko.
pinakamalala ba siya?
ung itinataas ang balikat?
hahahaha.hay nko.
at least naman.hindi siya stalker dba?:)).
hahaahaha.cnu nga ba ang stalker?owell.
:-h.:)

Post a Comment